note: hindi exact yung mga dialogues kasi hindi ko na-record. i’ve transcribed it while watching kasi
pagpasensyahan nyo na po.
pagpapatuloy…
tinira ni ether si aquil ng kanyang power blast.nilalabanan ito ni aquil halos mapaupo na sya.
aquil: aahh!
sinamo ni aquil ang lahat ng kanyang lakas at lakas mula sa devas.na-counter ni aquil ang power blast ni ether. nagawa nyang sugatan si ether sa likod.nilapitan nina hagorn at sariya si hagorn. nagkaroon ng pagkakataon para makaatras sina aquil.
aquil: muros! bumalik na tayo sa loob. mga kawal!
inutusan ni hagorn ang mga hathor na pasukin ang palasyo ng lireo. sumugod ang mga hathor.
Source: PIJ Journal
"But GMA 7 is not really letting go of Lara," says our source. "Bb. Pilipinas Charities has allowed her to appear in Encantadia, Pag-ibig Hanggang Wakas. She will be the grownup Cassandra, the nemesis of villains Ether and Hagorn [Angel Aquino and Pen Medina]."
We guess Lara will play a short part, as the series is said to be ending next month.
pagpapatuloy:
sa sapiro/meeting ng konseho.
armea: hindi maaring litisin ang wala namang kasalanan, ina.
council1: nagtaksil sya sa sapiro.pinatay nya ang aming hari.
tumayo si amihan sa kanyang kinauupuan.
amihan: paumanhin, ngunit ang tinuran ni armea na syang nakasaksi sa buong pangyayari ay matibay na patunay sa kabutihan loob ni arman.alam nyang may katapat na parusa ang kanyang ginawa ngunit buong tapang syang bumalik dito sa sapiro.
council2: ipagpaumanhin mga sanggre subalit may batas na dapat sundin ang pamunuan ng sapiro na kailanman ay hindi maaring pakialaman ng mga diwata kahit isang dugong bughaw pa.
amihan: yaman din lamang na ang mahal na reyna ang humahalili sa nasirang hari, bakit hindi sya ang hayaan nating magpasya sa pangyayaring ito.
alena: susundin natin ang nakasaad sa batas ng sapiro. itutuloy ang paglilitis kay arman.
armea: ngunit ina…
alena: unawain mo sana ang aking pagpapasya. isa akong diwata na nagpakasal at nagpasakop sa isang magiting na sapiryan. kaya kahit wala na ang iyong ama mananaitili pa rin ako sa kanyang kinasasakupan.
council1: kung gayon, agad nating lilitisin si arman. sa sandaling mapatunayan natin ang kanyang pagkakasala, kamatayan ang parusang ipapataw natin sa kanya.
napatingin si amihan kay alena at armea.
pagpapatuloy…
sa sapiro/bulwagan.
nasa kanlungan ni alena ang walang buhay na si ybrahim. nasa tabi niya si amihan at armea. si arman nakatayo malapit sa kanila. sina wahid, wantuk at apek nakamasid sa nangyayari.
armea: ina, patawarin mo ako, namatay ang aking ama ng dahil sa akin.
alena: sinong pumatay sa kanya? ba’t di ka sumasagot? sino ang pumaslang sa iyong ama.
di sumasagot si armea.
arman: ako ang may kasalanan, mahal na reyna.sinalo po ni amang ybrahim ang espada ni ether na dapat ay para sa akin.
alena: (to arman) namatay si ybrahim para ipagtanggol ang taksil na tulad mo?
ang nakaraan:
sa sapiro
pinagtapat nila luntian kay ybrahim na si agatha si armea.
luntian: si agatha, sya ang nawawala nyong anak.
–
sa lireo
danaya to aquil: mula ngayon aralin mo ng supilin ang iyong damdamin. hindi ka na dapat maging mapalapit sa akin.
–
sa hathoria
nakagapos si armea.dinalhan sya ng pagkain ni arman.
armea to arman: itakas mo ako dito pakawalan mo ako. kung parang ama mo na ang ama ko, ituring mo na rin akong kapatid. pakawalan mo ako dito.
dumating si ybrahim.
ybrahim to arman: isa kang traydor.pinagtaksilan mo ako. tinuring kita na parang isang tunay na anak.hindi ko alam isa ka pang etherian.
–
sa lireo.
kumukulo ang hawak na baso ng tubig ni alena.
alena: bakit ito kumukulo?
amihan: ano ibig sabihin nito alena.
alena: parang nagbibigay ito ng isang babala.
amihan; anong babala?
—
sa hathoria
nag-shimmer in si ether. kaharap niya sina ybrahim, arman at armea.
ether: sinasabi ko na nga ba.ikaw rin ang lalapit sa bitag ko. maghanda ka sa iyong kamatayan.
pagpapatuloy.
sa sapiro.
nakatutok ang espada ni hagorn kay armea.
armea: hindi. hindi ako naliligaw. bumalik lang ko sa tunay kung daigdig,
hagorn: anong daigdig ang tinutukoy mo
armea: sa sapiro. isa ka bang kawal ni haring ybrahim?
binaba ni hagorn ang espada.
hagorn: mukha ba akong kawal? isa akong kaibigan. kaibigan ako ni ybrahim.ano ang sadya mo sa kanya?
armea: sya ang aking ama.
hagorn: anak ka ni ybrahim. ito ang aking katibayn.
pinakita ni armea ang kanyang marka.
hagorn: isa kang sanggre.