sa sapiro/silid ni arman.
natutulog na si arman. dinalaw sya ni ybrahim. sandaling pinagmasdan ni ybrahim ang natutulog na si arman. mataman siyang nag-iisip. maya-maya umalis na rin siya. naramdaman siguro ni arman na may nagmamasid sa kanya. nagising sya at umupo. naisip niya si ybrahim.
(voice over:arman): napakabuti mo amang ybrahim, napakabuti mo…kaya paano kita masasaktan?
arman: hindi ko kaya, hindi ko kayang paslangin ang iyong asawa (si alena tinutukoy niya)
sa andal ruins.
nag-orb in sina alena at dalawang kawal na sapiryan.
kawal1: ano po ang ginagawa natin dito mahal na sanggre?
kawal2: bakit po dito tayo nagtungo?
alena: may hinahanap ako sa guhong ito. baka dito ko matagpuan ang sagot.
kawal1: ano ho ang gusto niyong malaman?
hinalugad ni alena ang palagid ng ruins.sa trono ni avria, nakita niya ang hinahanap.
alena: nakita ko na rin ang hinahanap ko. ito pala ang palatandaan ng isang etherian.
pinagmamasdan niya ang simbolo ng isang dahon na nakapatong sa mga mata ng ahas. nakaukit ito sa trono ni avria at nakatala sa watawat ng etherian.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.