pagpapatuloy…
tinatanong ni arman kay ybrahim kung totoong may etherian at kung nasaan sila. nakatago sa isang sulok si avria pinakikinggan ang pag-uusap nila.
ybrahim: paano mo nalaman ang tungkol sa mga etherian?
arman: narinig ko lamang sa pag-uusap ng mga dama. anong uri ng nilalang ang mga etherian. saan sila makikita?
ybrahim: maupo ka.
kinuha ni ybrahim ang isang talaan at sumenyas sya sa hangin. may lumabas na mga enchanta.
ybrahim: ang mga etherian ay masasamang nilalang. wala silang ginawa kundi sakupin ang lahat ng kaharian sa encantadia kaya sinira namin ang kaharian nila.
napabulong si arman "kung gayon totoo ang sinabi ni avria".di ito narining ni ybrahim.
ybrahim: ngunit hindi lahat ng etherian ay napatay namin.
arman: kilala nyo si odessa?
ybrahim: saan mo nakuha ang pangalang yan.
arman: narinig ko rin lamang. kilala nyo ba sya?
ybrahim: isang kasumpa-sumpang nilalang si odessa. kinamumuhian ko sya. sya ang dahilan ng muntik na naming paghihiwalay ni alena.
arman: ikaw ba ang pumatay sa kanya?
walang kagatol-gatol na sagot ni ybrahim na hindi sya nangimi ng patayin nya ito at hindi niya pinagsisihan ang pagpaslang nya kay odessa.
natigilan si arman.
sa kweba.
hinahanap pa rin nila wahid, wantuk at apek si cassandra.natatakot na si wantuk at gusto na niyang umalis at bumalik sa sapiro. tanong tuloy ni apek kung hindi sya natatakot kay ybrahim kung hindi nila kasamang bumalik si cassandra. sabi ni wahid na hindi sila aalis hanggat wala si cassandra.
wantuk: iba-ibang halimaw ang naririto. ano wahid may naisip ka na bang balak?
hawak ni wahid ang tali at napatingin sya dito at kay wantuk at apek. mukhang may naisip na plano si wahid.
-bago ang damit ni alena, pirena sa episode na ito.
-may napansin lang akong mali, tinawag ng isang dama si amihan na "mahal na reyna" eh hindi na naman reyna si amihan at nasa sapiro pa sila
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.