opening scene: sa pamilihan, sapiro
nagkatipon-tipon ang lahat. pinagbibigay alam ni haring ybrahim ang pagkawala ng kanyang anak sa mamamayan ng sapiro
ybrahim: kaya ako naririto ay upang ipaalam sa inyo na nawawala ang aking pinakmamahal na anak na si armea. siya’y tinangay ng aming damang nagngangalang ashtea. meron ba sa inyong nakakita sa kanya? kung meron man sa inyo nakakita o nakakaalam sa kinaroroonan ng lapastangang dama ay bibigyan ko ng malaking gantimpala. avisala.
pagkatapos ng speech ni ybrahim. umalis na ang mga engkantado at engkantada. May isang diwatang nakatalukbong ang naroroon ng alisin niya ito ay si juvila pala. nalaman niyang nawawala ang anak ni ybrahim
sa kagubatan,
nakipagkita ang mga konseho sa picaro. sa mga picaro (lamang lupang engkanto) nila ipapatago si armea.
konsehong babae: ang mga picaro.
brimeo: picaro mga lamang-lupang engkanto
avase (council1): hwag kayo matakot kaibigan ko ang mga picaro hindi nila tayo gagalawin
punong picaro: avase, ano ang kailangan mo?
avase: narito na ang sanggol na nais kong kalingain mo
kinuha ng babaeng picaro si armea.
avase: at bilang handog, tanggapin nyo ito (supot ng ginto)
kinuha ang supot ng ginto ng punong picaro.
babaeng picaro: ginto! ngayon na muli tayo makakahawak ng ginto.
avase: pagkatapos ng sandaling ito, mapuputol na ang anumang ugnayan natin.
pinunong picaro: huwag ka magalala kami ang bahala sa sanggol na iyan
sa bahaghari,
sinisiyasat ni muros ang bahaghari. lumabas si azulan na nakamaskara.
muros: inuulit ko bakit siya nakamaskara?
violeta: ipagpaumanhin nyo po kung itinatago niya ang kanyang mukha
luntian: dala lamang ng pangangailanga
muros: anong pangangailangan?
kambal: siya ay may ketong!
rosas: nais nyo bang makita? ihanda nyo lang ang inyong sarili sa kanyang kahindik-hindik na itsura
si azulan at rosas akmang tatanggalin na ang maskara.
violeta: kalahati na lamang po ang kanyang mukha
luntian: kita na ang buto’t laman ng kanyang mukha
muros: huwag na. sapat na. hayaan nyo na lamang kaming halughugin ang inyong silid sa baba.
rosas: tuloy po kayo…
yumukod sila rosas, luntian at violeta sa pagdaan nila muros. nakaaalis na si muros sa kanilang harapan. nababahala ang anyong mga punjabwe muntik ng makita ang mukha ni azulan.
sa labas ng lireo,
kinakausap ni pirena ang mga hathor.
pirena: galugarin ang buong engkantadia. hanapin nyo ang dama at anak ni alena.
nagsialis na ang mga hathor. nagtatago si andora sa halamanan at pinagmamasdan si pirena.
sa lireo,
makikitang nagtutulak ng food cart ang mga batang dama.
punong dama: asan na ang mga ensalada?
batang dama: naririto po punong dama.
punong dama: siguraduhin mo lamang na hindi masasama ang tangkay ng prisea. nakakapagpatulogy yan.
batang dama: alam ko po kaya tinanggal ko na ang mga tangkay
punogn dama: bilisan nyo baka nagugutom na ang reyna.
tumuloy na ang mga dama. nakita at napakinggan ito ni gaisak(avria)
sa labas ng lireo,
nag-anyong usok si andora. hawak ni pirena ang kanyang sandata parang alam niyang may paparating. naglakad-lakad siya ng dahan-dahan malapit sa kinaroroonan ni andora
sumugod sa likuran ni pirena ang usok ni andora at nagtagal sa buhok ni pirena. Napaupo si pirena. Nagtataka si pirena. Muli siyang tumayo at nilisan ang lugar.
sa silid ng reyna, lireo,
nag-aayos ng buhok si danaya. pumasok si gaisak dala ang isang tray ng pagkain.
gaisak(avria): mahal na reyna, ito na po ang inyong pagkain.
hindi siya tiningnan ni danaya. minuwestra lang niya na ilapag ang pagkain. nilapag ito ni gaisak(avria) sa mesa.
danaya: salamat dama.
naupo si danaya. binabasa ang isang sulatin at kumuha ng pagkain sa inihain ni gaisak(avria).
nakamasid si gaisak(avria) sa likod ng kurtina. nakangisi.
sa labas ng lireo,
lumabas sa pinagtataguan si andora. hawak ang hibla ng buhok ni pirena. nakangisi siyang nagiisip.
sa bahaghari
nagbihis ng muli ng kasuotang pang prinsepe si azulan. hangang-hanga sa kanysa si luntian at violeta. Sabi ni violeta kung maari ba na siya na lang ang patulan. Sumagot si luntian na magtigil sya at dapat siya muna. Rosas butt in - gumising daw sila sa katotohanan, kung meron mang dapat na magugustuhan si azulan, siya yon.
violeta: matabang pashnea
luntian: papatulan ni azulan?
kambal: hahahhaha
azulan: sheda…sheda kahit magpatayan kayo diyan si amihan pa rin ang gusto ko.
luntian: kahit mukha ka ng prinsepe, di ka pa rin papasa kay amihan
kambal: pero sa amin papasa ka.
dilawan: azulan, talaga bang buo na ang loob mo sa pagbabalat kayo na gagawin mo? alalahanin mo na mapanganib ang gagawin mo yan
azulan: huwag ka mag-alala. mag-iingat ako.
umalis na si azulan at naiwang nakatanghod ang kambal at si rosas
kambal: haaay….pag-ibig nga naman.
sa silid ng reyna, lireo,
kumuha ng pagkain sa inihain si gaisak(avria). nadampot niya ang tangkay ng prisea at unti-unti ay nakatulog siya sa kanyang kinauupuan. Nilapitan siya ni avria at binatukan si danaya. napatungo sa mesa ang tulog na reyna danaya.
avria: avisala, mahal na sang’gre.
tiningnan niya ng masama si danaya.
avria: akin ka na reyna ng mga diwata.
hinawaka niya si danaya at nag-orb out sila.
lugar malapit sa batis ng katotohanan,
naghahanap si amihan. inilahad niya ang kanyang kamay at sinamo niya ang kanyang brilyante.
amihan: tulungan mo akong matuntun ang kinaroroonan ng anak ni alena. bakit tila di siya matuntun ng aking kapangyarihan. nasaan kaya si armea?
may kaluskos sa mga halaman. alerto agad si amihan.
amihan: sino ka?alam ko diyan ay may nakukubli. magpakita ka!
lumabas si azulan sa kanyang pinagtataguan.
azulan: avisala!
amihan: sino ka?
andal ruins,
dumating si juvila.
juvila: odessa, andora
andora: bakit?
juvila: napadpad ako sa pmilihan. siguro doon ako dinala ng aking paa upang matuklasan ang isang bagay
andora: ano iyon?
juvila: nakita ko si alexus.
odessa: si alexus.
juvila: oo at naroon siya upang ipagbigay alam sa mga engkantado na nawawala ang kanyang anak
odessa: may anak si alexus?
andora: huwag mo ng pagtakhan ang bagay na yan odessa. kung totoo man ang sabi ni juvila, dapat matuwa dahil nakapaghiganti ka na sa kanila ng engkantadang si alena.
lugar malapit sa batis ng katotohanan,
azulan: ipagpagtawad mo ang aking paggambala sa iyong pag-iisa mahal na engkantada
amihan: sino ka? ano ang kailangan mo sa lugar na ito?
azulan: ako si prinsepe azulan. anak ni haring mago at reyna hegia
amiha: at saan kaharian ka naman nagmula?
azulan: kaharian….saan bang kaharian ako galing( nakalimutan niyang mag-iisip ng kaharian mweeheheh)
amihan: prinsepe….
azulan: mula sa kahariang aguere
amihan: aguere…ngayon ko lamang narinig ang kahariang iyong sinasabi
sa sapiro,
bumalik na si ybrahim sa sapiro galing sa paghahanap. sinalubong siya ni alena
alena: ybarro, ano ang nangyari sa iyong paghahanap?
niyakap siya ni ybrahim
alena: bakit ybarro?
ybrahim: bigo ko ngunit huwag ka magalala napagbigay alam ko na lahat sa ng engkantado at engkantada ang tungkol sa pagkawala ng ating anak
alena: nag-aalala ako ybarro. baka kung ano na ang nangyari sa ating anak.
ybrahim: yan ang huwag mong babanggiting alena. tulad ng pangako ko sayo gagawin ko ang lahat para makita natin siya.
niyakap ni ybrahim si alena at sa isang sulok nakitang lahat ito ni odessa. halos maiyak siya. umalis siya kaagad di niya matiis ang nakikita niya.
sa silid ng reyna, lireo,
hinahanap ni muros si reyna danaya.
muros: mahal na reyna? mahal na reyna? mahal na sang’gre?
napansin nito ang nahulog na kasulatan at pagkain na may tangkay ng prisea.
lugar malapit sa batis ng katotohanan,
naguusap pa rin si azulan at amihan
amihan: sabihin mo sa akin, saan matatagpuan ang inyong kaharian.
azulan: sa malayo, sa dulo ng engkantadia, isa siyang maliit na kaharian lamang ngunit sagana sa likas na yaman at malakas ang kapangyarihan
amihan (natatawa): mayaman at makapangyarihan. ngunit kung gayon bakit ikaw ay nag-iisa. asan ang iyong mga kawal?
azulan: hindi ko kailangan ng kawal kaya ko ang aking sarili
amihan: prinsepe
azulan: hmmm
amihan: ipagpaumanhin mo ngunit kailangan ko ng mauna
paalis na si amihan ng may pahabol pa siyang pahayag kay azulan
amihan: syanga pala, di ba sabi ika’y galing sa isang kaharian na makapangyarihan at mayaman? kung ganun, bakit ang iyong sapatos ay wari’y nilalamon na ng lupa at nangangailangan na ng kapalit?
napatingin si azulan sa kanyang sapatos ( hahha buking!)
amihan: avisala
naiiwang natitigilan si azulan.
lugar ng mga picaro,
binabantayan ng babaeng picaro si armea. iyak ito ng iyak.
pinuno: ano ang nangyayari diyan. hindi mo ba mapahinto ang pag-iyak ng bata?
babaeng picaro: kanina pa namin pinapatahan ngunit ayaw tumahan.
pinuno: baka naman nagugutom?
babaeng picaro: kanina pa rin namin pinapainom pero ayaw kumain.
pinuno: e bakit?
babaeng picaro: marahil nararamdaman niya ang kalungkutan ng kanyang ina dahil inilayo siya.
pinuno: paano natin mapapatahan ang bata.
tuloy pa rin sa pag-iyak si armea
sa saprio,
umaawit si alena. dumating si cassandra.
cassandra: yla ano po ang inyong inaawit?
alena: ang aking awit para sa nawawalang kong anak na si armea
cassandra: naririnig po yun ni armea?
umupo sila.
alena: sana…sana kahit saan man siya naroroon naririnig niya ang aking tinig.
cassandra: yla, ituro mo sa akin ang awit na yan. gusto ko rin maabot si armea ng aking tinig.
alena: (umawit si alena)
natanaw sila ni ybrahim.
lugar ng picarro..
tumahan na si armea sa pag-iiyak. mukhang narinig nga ang awit ni alena.
pinuno:o pano napahinto ang pag-iyak niyan
babaenng picaro: wala
pinuno: wala ka bang pinakain o pinainom diyan?
babaenng picaro: ayaw ngang tanggapin kahit ano ipainom namin.
pinuno: dito pa naman titira ang batang yan habang panahon.
sa silid ni armea,
hawak ni ybrahim ang mga damit ni armea. naalala niya ang kanyang anak. dumating si cassandra. lumapit siya kay ybrahim.
cassandra: ylo
ybrahim: bakit cassandra
cassandra: ylo kwentuhan mo ako
ybrahim: cassandra, alam mo naman nababalot ng ligalig ang buong kaharian dahil sa pagkawala ni armea. tapos hinihiling mo pa kwentuhan kita?
cassandra: bakit hindi po ba maari?
ybrahim: hindi. wala akong panahon ngayon. sa ibang pagkakataon na lamang.
malungkot na nilisanni cassandra ang silid. naiwan si ybrahim na nalulungkot pa rin.
sa lireo,
hinahanap ni pirena si danaya.
pirena: muros nakita mo na ba si danaya?
muros: kanina ko pa siya hinahanap ngunit di ko siya makita. mahal na sang’gre lalo tuloy ako kinukutuban ng masama
pirena: bakit muros?
muros: may nakita akong prisea sa kanyang pagkain. di kaya may masama ng nangyari sa iyong kapatid o di kaya ay may dumukot na kay reyna danaya?
sa sapiro, silid ng mga kasulatan
nagbabasa si amihan ng dumating si cassandra.
cassandra: yla?
amihan: cassandra, tinakasan mo na naman ang iyong dama. ano’t gising ka pa?
cassandra: hindi po ako makatulog, yla, samahan mo ako sa aking silid. nais kong kwentuhan mo ako hanggang sa ako’y makatulog.
amihan: cassandra marami pa akong ginagawa. nais kong magtungo ka na sa aking silid para magpahinga. saka na l amang kita kwekwentuhan ha.
malungkot na umalis si cassandra.
patuloy na binasa ni amihan ang isang sulatin. nag-orb in si Pirena.
pirena: amihan…
amihan: pirena…mabuti’t narito ka na. may nais akong itanong. may nalalaman ka ba tungkol sa kaharian aguere?
pirena: wala ngunit alam mo bang nawawala si danaya
nag-alala si amihan.
sa labas lamang ng andal ruins,
nag-uusap si juvila at andora. hawak ni andora ang hibla ng buhok ni pirena.
juvila: kaninong hibla yan?
andora: kay pirena ngayon masusundan ko na sya kahit saan siya magpunta
juvila: alam mo na ba kung nasaan ang ating reyna?
andora: sa mga sandaling ito nagawa na niya ang kanyang plano? magkasama na sila ni danaya. nagsisimula na juvila. nagsisimula na ang ating paghihiganti sa mga diwata
sa nagniniyebeng lugar,
nag-orb in sina gaisak(avria) at danaya. nakaupo si danaya at nagising. nilalamig siya.
danaya: dama, ano ang nangyari? asan tayo?
gaisak(avria): ito na ang simula ng aming paghihiganti
nag-morph into avria na si gaisak. napatayo si danaya.
avria: avisala ri danaya
danaya: paanong nangyari ito?
nag-blast si avria. nakailag naman si danaya. nag-blast ulit siya. nakailag ulit si danaya. si danaya naman nag-blast. syempre nakaiwas si avria. nag-orb si danaya…at nakagayak pandigma na siya. masamang nagtitigan ang dalawa
avria: hindi ka na makakatakas pa. hindi ito ascano o anuman lugar sa encantadia
naglaban sila. ngunit sa maling move, natalo siya ni avria. natumba si danaya. nagamit ngayon ni avria ang bolang nakakakuha ng anyo laban kay danaya. nanghina si danaya at nawalan ng malay.
avria: umpisa lang ito ng paghihiganti ng etheria at ng mga heran.
(syoks!) nagmorph ang anyo ni avria to danaya at si danaya naging si avria. nagkamalay si danaya
at gulat na gulat siya nakita niya ang kanyang mukha sa kaharap.
itutuloy…
i was trying to find the outfit of danaya and i found this site,well its very interesting,because i really miss the encantadia,which i always watch at night.nice job po snana pagpatuloy nyo po itong nasimulan ninyo,and i hope more powers on you and marami pang makakita nito,,,,tnx po
Posted by anna marie manuel at February 7, 2008, 8:14 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
ang gaganda tlga ng apat m sanggre. sna mgblik na sa kanyang ktwan c danaya. naaasar ako kay adora,juvila,odessa& avria. Nbuhay n c aquil sna cla na ni danaya. Apat n sanggre GO!!!!!!!
Posted by lyn at March 15, 2006, 11:44 am