opening scene: sapiro
binibinyagan ang sanggol (anak ni odessa) na napulot ni pirena. hawak ito ni ybrahim habang binubuhusan ito ni alena ng tubig sa ulo. naroon sa pagtitipon si pirena at cassandra.
ybrahim: arman… magmula ngayon yan ang itatawag ko sayo. at magmula ngayon ikaw ay isa ka ng tunay na mamayan ng sapiro. Tara na cassandra ihatid na natin siya sa kanyang bagong silid.
umalis na sina ybrahim at cassandra. naiwan si pirena at alena. nag-aalala ang mukha ni alena
pirena: natutuwa ako alena at tinanggap ni ybrahim ang sanggol na napulot namin. malaking tulong ito sa kaawa-awang sanggol.
alena: gustuhin ko mang matuwa ngunit hindi ko ito magawa pirena.
pirena: bakit alena?
alena: hindi ko maintindihan kung bakit ngunit hindi ako makaramdam ng pagkaaliw sa sanggol na dinala mo pirena. mabigat ang loob ko sa kanya
pirena: alena…
alena: alam kong mali ang nararamdaman ko pirena. ako’y mismo nagtataka dito. bakit kaya nararamdaman ko ito sa kanya? bakita ayaw ko sa sanggol?
parehong nababahala ang dalawang sang’gre
sa pamilihan,
nakadamit diwata ang mga heran. nagmamasid sila sa paligid nang may makitang sanggol si odessa at nilapitan niya ito. akala niya anak niya ito. naalala niya ang kanyang anak.
odessa: kamukha siya ng anak ko. akina…
tindera: nagkakamali ka. akin ang batang ito. anak
odessa: akin na siya
inaawat nila andora at juvila si odessa.
andora: odessa…odessa…hindi yan ang anak mo. tayo na.
napansin nila wantuk at apek ang kaguluhan sa pagitan ng heran at tindera. Papalapit na sila. Napansin sila ni juvila
juvila: umalis na tayo rito. may paparating na mga kawal
andora: tayo na odessa
hindi naabuta nila apek ang mga heran.
apek: sino kaya ang mga iyon? ngayon ko lang sila nakita.
wantuk: tama ka apek. mga mukhang estranghero
sa bahaghari,
malalim pa rin ang iniisip ni azulan. iniisip niya ang hula ni rosas na mahihirapan niyang paiibigin si amihan. dumating ang kambal at si kahel. pinagpayuhan siya ng kambal
na kalimutan ang hula na bigay ni rosas. nagdadalawang isip si azulan pagkat magaling raw na manghuhula si rosas at hindi ito maari magkamali. bahagyang sumang-ayon ang kambal kunsabagay raw mahihirapan talaga niyang paiibigin si amihan lalo na sa katayuan niya sa buhay at sino naman daw ang iibig kay azulan gayon siya’y kawatan. tawa ng tawa ang kambal. napapalatak lang si azulan. hindi siya napikon. pinagpayuhan pa siya ng kambal na humanap na lang siya ng iba.
azulan: hindi maari. gagawa ako ng paraan para ibigin ako ni amihan.
kambal: at anong paraan ang naiisip mo?
dilawan: parang kinakabahan ako sa binabalak mo azulan.
sa bulwagan ng sapiro,
nagkakasayahan ang mga kawal na sapiryan. pinagkakaguluhan nila ang paglalaro ni wantuk at apek sa isang laruan. dumating si ybrahim at naabutan ito.
ybrahim: anong kaguluhan ito… wantuk
hindi siya agad napansin ng dalawa
wantuk: ang mahal na hari
apek: amo..
ybrahim: tapos na ba kayo maglaban?
wantuk: tapos na
ybrahim: may ibabalita raw kayo sa akin?
wantuk: oo nga amo, may nakita kaming bagong mukha dito sa sapiro
ybrahim: mga bagong mukha?
apek: oo amo palagay ko mga dayuhan iyon
wantuk: pero ito ah magaganda sila pero parang may sira sa ulo ang isa. kasi inaangkin niya ang sanggol ng isang diwata. kaya yun nagkagulo sila
apek: alam mo palagay ko nawalan ng anak yun kaya ganun yon
ybrahim: may isang sanggol na napulot si pirena at sa sapiro nakatira ang sanggol na iyon. hindi kaya yon ang tinutukoy nila
wantuk: maari nga mahal na hari hayaan mo pag nakita namin sila ibabalita namin ang tungkol sa sanggol na naririto sa sapiro
andal ruins
nakabalik na ang mga heran at ibinalita kay avria ang nangyari sa pamilihan
avria: isang kahangalan ang ginawa mo odessa. ano pumasok sa isip mo para angkinin ang sanggol na hindi naman sa iyo
odessa: kamukha kasi siya ng anak ko
avria: alam mong patay na ang anak mo. sinabi na iyan sayo ni andora. ano’t hindi ka pa rin naniniwala?
odessa: pagkat hindi ko maramdaman sa aking puso na patay na ang aking anak alam ko buhay pa siya at magkikita pa kami
andora: tama na odessa. magpahinga ka na.
sa bulwagan ng sapiro,
patuloy pa rin ang paguusap nila ybrahim, wantuk at apek
ybrahim: at ang iyong kabiyak na si alontra?
wantuk: iyon kinulong ko sa hawla. masyado madaldal
tawanan silang lahat. dumating si wahid kasama ang mga kawal na sapiryan. ibinalita nila ang pagpaslang sa isang pangkat na sapiryang may dala ng ginto.
wahid: mahal na hari
ybrahim:wahid
wahid: may masama ako balita. may napaslang na pangkat ng mga kawal na sapiryan at mga diwatang nagdadala ng ginto
ybrahim: ano nangyari sa mga ginto
wahid: hindi ko alam, dahil pagdating namin dun wala na ang mga ito
apek: malamang kinuha ng mga pumaslang sa mga kawal na sapiryan
ybrahim: mukhang kilala ko na ang gumawa nito
wantuk: amo sino?
ybrahim: ang mga pashneang nagnakaw at nanloob sa aking kaharian
wahid: sila ang mga punjabwe
ybrahim: sila lamang ang maaring gumawa nun
sa bahaghari,
luntian: anong binabalak mo azulan?
violeta: paano mo mapapaibig si amihan?
azulan: mas madali niya akong iibigin kung makikita niyang magkapantay kami
kambal: ano ang ibig mong sabihin?
azulang: ang isang sang’gre ay bagay lamang sa isang dugong bughaw kaya magpapanggap ako na isang prinsipe para mapalapit ako at ibigin ni amihan
sa silid ni armea,
kakapasok lang ni alena. napansin niyang tulog ang mga dama ni armea.
alena: bakit nakatulog ang mga ito?
lumapit siya sa kuna ni armea. ngunit wala ito. hinanap niya ito
alena: armea?
nilapitan niya ang mga tulog na dama. ginising niya ang mga ito.
alena: muni, vishe, magsigising kayo! asan ang aking anak? asan ang mahal na prinsesa?
vishe: hindi p namin alam mahal na reyna
dali-daling lumabas si alena sa silid.
alena: ybrahim…ybrahim!
sa labas ng kaharian ng sapiro,
tinuturuan ni amihan si cassandra ng paggamit ng kapangyarihan.
amihan: handa ka na ba cassandra?
cassandra: opo yla
amihan: tandaan mo lamang na gagamitin mo ang iyong kapangyarihan sa nakaambang panganib
cassandra: opo
nagilaw ang palad ng dalawang sang’gre. kay cassandra, lavander, kay amihan, light blue
amihan: huwag padalos-dalos. dahan-dahan lamang. asintahin mo ang batong nasa iyong harapan.
inasinta ni cassandra ang batong nasa likod nila wahid, wantuk at apek. tinamaan ito ni cassandra at napabuwal si wahid sa gulat. nadaganan niya si wantuk at apek.
amihan: wahid, nasaktan ka ba?
nilapitan ni amihan at cassandra ang mga kawal. tumayo si wahid
wahid: wala…walang nangyari sa akin
wantuk: sayo wala. sa amin meron
wahid: bakit tinamaan kayo? hindi dinaganan mo kami
apek: ang bigat-bigat mo eh
lumapit si ybrahim sa kanila
ybrahim: cassandra, di ba tinuraan ka na ng iyong yla kung paano gamitin ang iyong kapangyarihan? pero sinuway mo pa rin.
cassandra: ipagpatawad mo ylo
humahangos na dumating si alena.
alena: ybrahim…ybrahim nawawala ang ating anak, nawawala si armea
ybrahim: ano?
nag-alalalang nagkitinginan sina amihan, ybrahim, wahid, apek at wantuk
andal ruins,
nilapitan ni andora ang nag-iisip na si avria.
andora: nagpapahinga na si odessa mahal na reyna
avria: hindi ko gusto ang nangyayari sa kanya
andora: hindi magtatagal matatanggap din niya ang nangyari sa kanyang anak. hindi na siya magiging balakid sa ating mga balak
avria: dapat lang. dahil ibig ko ng simulang ang aking balak laban sa reyna ng mga diwata
juvila: sinong reyna ng mga diwata?
avria: si danaya, ang bunsong anak ni minea. siya na ang reyna ng mga diwata sa panahong ito at isa sa mga tagapangalaga ng mga brilyante. papatayin ko ang bunsong anak ni minea
sa lireo,
nagsasanay si danaya. kalaban niya ang mga kawal ng lireo at si muros. natalo niya ang mga ito.
muros: dapat siguro tigilan natin ang pagsanay sa inyo mahal na reyna. lagi lang kami natatalo
danaya: titigil lang tayo kapag natalo nyo na ako. sa susunod magsipaghanda kayo. tayo na. kailangan na nating bumalik sa lireo. gaisak.. mamitas ka ng mga sariwang bulaklak. iaalay natin kay bathala
gaisak: mainam mahal na reyna.
danaya: tayo na.
muros to kawal : maiwan ka dito. samahan mo si gaisak
namitas na si gaisak ng flowers ng mag-orb in si avria. pinaslang nito ang isang kawal. tumakbo si gaisak ngunit napatigil ito. ginamit ni avria ang kapangyarihan ibinigay ni ether para maging kaanyo niya ang dama. nawalan ng malay ang diwata at naglaho. si avria kaanyo na ni gaisak.
avria: humanda ka danaya. makakalapit na ako sayo ng hindi mo namamalyan.
nag-orb out siya at nag-orb in sa kaharian ng lireo. naglakad-lakad siya minamatyagan ang paligid at hinahanap niya ang silid ni danaya. nakita niya si danaya sa silid nito. pinagmasdan niya ang gawi nito ng maabutan siya ni muros.
muros: ano ang ginagawa mo rito? anong pakay mo at ikaw ay naririto?
gaisak: ako’y napadaan lamang. mahal na reyna ipagpatawad mo hindi ka kabilang sa mga damang tagapangalaga ng silid ng reyna
muros: alam mong hindi ka maaring pumasok dito pagkat
danaya: hayaan mo na sya muros. hwag mo na syang pagalitan. dama sige na ipagpatuloy mo na kung ano mang nabinbin mong gawain
gaisak: salamat po mahal na reyna
muros: mahal na reyna kailangan nyo ng lagdaan ang mga ito
lumabas na si avria (gaisak). paglampas niya sa isang pillar naging si avria siya. nagkangising umalis
sa bahaghari.
nagpapatawag si azulan ng isang mananahi. magpapatahi siya ng kasuotang pang-prinsipe. nagtatanong si dilawan kung kaninong prinsepe niya ito ireregalo. sumagot ang kambal na para kay azulan ang kasuotan. magpapanggap siyang prisepe para madaling mapaibig si amihan. hindi sumasang-ayon si dilawan. sumagot si azulan na hwag na siyang pagsabhihan pagkat kailangan niya iyon.
sa lireo, silid ng mga kasulatan ng diwata
binabasa ni gaisak(avria) ang isang kasulatan ng kasaysayan ng mga diwata. naabutan na naman siya ni muros.
muros: ikaw na naman, ano ginagawa mo rito
gaisak(avria): patawad, binabasa ko lamang ang kasaysayan ng mga diwata
muros: hindi ka pwedeng pumasok dito pagkat ang reyna at mga kapatid laman niya ang pwedeng magbasa niyan.
gaisak(avria): ngunit paano kaming mga damang gustong matuto. mas mapaglilingkuran ko ng tapat ang ating reyna kung kilala ko siyang lubusan hindi ba?
muros: magaling kang mangatwiran. ano ang pangalan mo?
hindi makasagot si gaisak(avria).
muros: tinatanong kita dama. ano ang pangalan mo?
kawal: siya si gaisak. iyon ang pangalan niya punong kawal
gaisak(avria): ako nga si gaisak punong kawal.
muros: may babasahing kasulatan sa bulwagan na maari mong pagaaralan ngunit ang mga kasulatan dito ay hindi mo maaring mabasa. kaya lumabas ka na bago pa kita parusahan.
lumabas na si gaisak(avria). pinagmasdan ni muros ang binabasa ni gaisak(avria).
sa sapiro bulwagan,
alang-alala ang lahat sa pagkawala ni armea. inaalalayan ni amihan at cassandra si alena.
ybrahim: wahid, asan si armea?
wahid: hinanap na namin sa buong kaharian ngunit ni anino ng inyong anak ay hindi namin nakita.
ybrahim: hali kayo (sa mga dama ni armea) hindi ba kayo ang tagapagbantay ni armea? (galit na galit si ybrahim) bakit nyo siya pinabayaan?
mga dama: patawarin nyo po kami mahal na hari
ybrahim: anong patawad? walang kapatawaran ang inyong kapabayaan!
pagbubuhatan sana ng kamay ni ybrahim ang mga diwata pero pinigil siya ni amihan.
amihan: ybrahim! maghunos-dili ka
ybrahim: ilayo nyo yan sa akin at ikulong hanggat hindi nakikita ang anak ko!
nilapitan ni alena si ybrahim.
alena: ybrahim ano ang gagawin natin ngayon? nasaan na ang ating anak
ybrahim: hindi ko alam alena, ngunit ipinapangako sayo na hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang ating anak.
sa malayong parte ng bulwaran. nakatanaw si brimeo sa nagaalalang hari at reyna.
andal ruins,
ibinalita ni avria sa mga heran ang kanyang balak
avria: nakapasok na ako sa lireo. sa tulong ng kapangyarihan ni bathalumang ether at sa pamamagitang ng usok na tagabulag ay isa na akong dama sa paningin ni danaya at mga taga-lireo
juvila: isang karaniwang dama lamang, nagpakababa ka mahal na reyna?
avria: dahil iyon lang ang paraan para makalapit ako sa reyna ng mga diwata at para makuha ang makapangyarihan nilang brilyante
andora: alam nyo na ba kung saan nila tinatago ang kanilang brilyante mahal na reyna?
sa sapiro, bulwagan
humahangos na dumating si danaya at pirena para makiramay kay alena
danaya: alena, totoo bang sinabi nila apek at wantuk? nawawala raw ang inyong anak?
alena: totoo danaya, nawawala si armea.
danaya: inutusan ko na si muros upang tumulong sa paghahanap.
pirena: pero sino naman ang kukuha sa kanya?
wahid: mahal na hari naririto na si imaw
ybrahim: malalaman natin yan sa pamamagitan ng tungkod ni imaw
nilapitan nila si imaw.
ybrahim: imaw, tulungan mo kami. nakikiusap akong gamitin mo ang iyong tungkod para malaman kung sinong lapastangan ang tumangay sa aming anak
imaw: masusunod mahal na hari. mahiwagang tungkod sundin ang ipinaguutos ni haring ybrahim….
cut to andal ruins scene…
avria: hindi ko alam kung saan nakatago ang kanilang brilyante. hindi rin sinasabi ang kinaroroonan niyon sa nabasa kung sulatin sa lireo. ngunit may isa akong nabasa na tiyak nating mapapakinabangan.
odessa: ano iyon mahal na reyna?
avria: ang naging alitan sa pagitan ng mga anak ni minea
andora: ano ang naging alitan nila mahal na reyna?
avria: isang malubhang alitan na nagsimula ng piliin ni minea si amihan bilang tagapagmana ng korona ng mga diwata
flasback scene
kinoronahan si amihan bilang reyna ng mga diwata.
avria: nagalit si pirena …kaya hinamon niya ang kanyang ina sa isang laban
flasback scene
sinumpa ni pirena ang kanyang ina at kapatid. natalo si minea sa laban nila ni pirena. galit na galit nilisan ang lireo
avria: dahil doon kaya kumampi si pirena sa mga hathor at nakipagdigma sila sa mga diwata.
flasback scene
pagkampi ni pirena kay hagorm
digmaan ng hathor laban sa diwata.
andora: matindi pala ang alitan nilang iyon,. paano nila naayos iyon mahal na reyna?
avria: hindi ko na nabasa pa pagkat dumating ang punong kawal at ako’y sinaway ngunit sapat na ang aking natuklasan magagamit natin si pirena
odessa: paano?
avria: magtulungan tayo. minsan na siyang nakaaway ng kanyang kapatid kaya maari tayong makagawa ng paraan upang muli silang magkagalit-galit ng sa gayon magamit natin si pirena laban sa mga diwata.
evil smiles plastered on herans’ faces.
sa sapiro, bulwagan
nagliwanag ang tungkod ni imaw at nakita ng mga sang’gre at ybrahim kung sino ang dumukot kay armea. makikita ang isang dama kinuha mula sa kuna si armea at ipinuslit
alena: si ashtea…siya ang kumuha sa ating anak
ybrahim: pashnea…wahid, apek, wantuk, samahan ninyo ko hanapin natin ang lapastangang yan.
umalis sina ybrahim. pinalibutan ng tatlong sang’gre si alena para konsolaahin.
sa isang kagubatan,
inaabut ni ashtea si armea sa tatlong miyembro ng konseho
council1: ito nga ang anak ng ating mahal na hari
brimeo: magaling ashtea, ito ang 3 supot ng ginto sa pamamagitan niyan ay maari ka ng mamuhay ng masagan sa piling ng iyong mga mahal sa buhay. hinihiling ko lang na magpakalayo-layo kana. at hwag ng bumalik sa sapiro
ashtea: masusunod mahal na konseho. sa ginawa kong ito hindi na talaga ako babalik sa sapiro. pagkat ayokong maparusahan
babeng konseho: nag-aalala ako sa pasya nating ito. baka makalikha ito ng kaguluhan lalo na’t balot na ng pag-aalala si haring ybrahim
council 1: napagkasunduan na natin ito kaya’t kailangan natin itong panindigan
babeng konseho: ngunit… ito nga ba ang karapat-dapat gawin.
brimeo: para sa kapakanan ng ating hari nararapat lang. tayo na.
babaeng konseho: saan natin dadalhin ang sanggol?
council1: huwag kang mag-alala walang masamang mangyayari sa kanya
sa bahaghari,
nagkukumpol-kumpol ang kambal, kahel at dilawan. napansin sila ni rosas bakit sila nagkukumpol-kumpol. sabi ng kambal dapat alam niya kung bakit dahil siya ang manghuhula. inaabangan pala nila ang mananahi na tumahi ng prinsepeng kasuotan ni azulan. lumabas ito sa silid natapos na niya ang suot. tinanong ni dilawan kung bagay ba ang damit at kung hindi naging katawa-tawa ang hitsura ni azulan. sa palagay ng manahi, okay naman pero sila na raw ang humusga. lumabas si azulan sa silid nakadamit pang prinsepe na. namangha ang kambal at si rosas pati si kahel ay nabigkas ng oooo. kagila-gilalas daw ang kanyang kasuotan. biglang dumating ang kawal ng lireo….
rosas: azulan, parating ang punong kawal ng lireo
dilawan: bakit? ano ang kailangan niya sa atin?
kambal: nabisto na tayo
azulan: sheda, alam nyo na ang dapat gawin?
nagtago si azulan.
muros: avisala.
dilawan: avisala, ano ang maipaglilingkod ng bahaghari sa inyo punong kawal ng lireo?
muros: nawawala ang anak ni haring ybrahim at reyna alena. kami’y nautusan laman magsiyasa’t mga lugar at mamamyan ng sapiro.
dilawan: bukas ang bahaghari para sa inyong pagsusuri
muros: saan kayo galing?
dilawan: kami’y galing sa punj…
rosas: eudoo… ako po’y galing sa eudoo, ang aking mga kasama ay galing po sa arnon.
lumabas si azulan nakamaskara.
muros: sino siya? bakit siya nakamaskara?
itutuloy….
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.