[Enca 2] Kabanata 6: Ang Simula ng Paghihiganti

Monday, February 27, 2006

nakaraan sa encantadia:

si azulan, luntian, at violeta minamatyagan si amihan.
azulan: yan ang engkantadang sinasabi ko napakaganda niya hindi ba?
violeta: may dugong bughaw ang diwatang yan azulan, dati siyang reyna ng lireo

hininulaan ni rosas na papaslangin si ybrahim ng kanyang sariling anak

nanganak na si odessa ngunit nawawala ang anak niya. itanapon ito ni avria.
odessa: nawawala ang anak ko…ilabas niyo ang anak ko.
….
napulot nila pirena, amihan, wantuk at apek ang anak ni odessa
….
sa harap ng konseho, pinatawag ni alena lahat ng magagaling na manghuhula para tiyakin ang hula kay ybrahim. iisa ang hula ng lahat. si ybrahim ay papatayin ng kanyang sariling anak

pagpapatuloy….

sa silid ni armea,

karga-karga ni ybrahim si armea pinagmamasdan niya itong mabuti. si cassandra nakaupo sa kama at pinagmamasdan ang balisa niyang ylo.

    flashback mode
    naalala niya ang pagpapakilala niya rito sa pagtitipon.
    ybrahim: ang bagong prinsesa ng sapiro…si prinsesa armea…at ang aking reyna…si alena.
    …
    naalala niya ang labis na tuwa kanyang naramdaman ng isilang ito. kalong ni alena si armea at pinagmamasdan ito ni ybrahim
    ybrahim: alena, hindi ako makapaniwalang nabigyan mo ako ng isang napakagandang tagapagmana. e corrie diu armea, mahal na mahal ko             kayo ng iyong ina
    flashback mode

dumating si alena. nilapitan niya ang kanyang mag-ama

alena: naniniwala ka ba na ang ating anak, si armea, ang papatay sayo ybarro?

hindi sumasagot si ybrahim. patuloy niyang pinapatulog si armea

alena: huwag mong sabihing naniniwala ka…huwag mong sabihing pinagdududahan mo ang ating anak. sagutin mo ako ybarro. gusto ko lang malaman kung ano ang iniisip mo…

ybrahim: mahal na mahal ko ang ating anak alena kayat hindi ako naniniwala sa sinabi nila. imposibleng sarili ko pang anak ang papatay sa akin. hindi totoo iyon. hindi ako naniniwala… pero natatakot ako kahit ang hari ay marunong din matakot. natatakot ako alena…

niyakap siya ni alena. pinagmasdan niyang muli si armea. si cassandra nakamasid lamang sa isang tabi.

sapiro’s lobby,

naguusap ang mga miyembro ng konseho ng sapiro. nagaalala sila kay ybrahim at sa hula.
council1: malinaw ang nakita ng mga manghuhula. iisa lang ang sinabi nila
brimeo: mamatay nga sa kamay ng kanyang anak ang ating hari
council1: isa itong nakakatako na pangitain
council3(babae): ano ang nararapat nating gawin
brimeo: iisa lang ang dapat nating gawin
council3(babae): ano iyon brimeo?
brimeo: kailangan na nating ilayo si prinsesa armeo sa sapiro

makikitang nag-alala ang babaeng konseho.

another part of sapiro,

nag-iisa si ybrahim at malalim pa rin ang iniisip. nilapitan siya ni cassandra

cassandra: ylo…
ybrahim: cassandra, iiwan mo muna ako mag-iisa

nilapitan siya ni cassandra at inalo

cassandra: ylo wag ka ng malungkot ayokong malungkot ka

niyakap niya si cassandra

silid ni armea,

pinapatulog na ni alena si armea. inaawitan niya ito. malungkot ang kanyang tinig. nang dumating si danaya, pinagmamasdan niya ito. napansin siya ni alena.

alena: danaya, kanina ka pa ba diyan
danaya: pinakikinggan ko ang iyong awitin. ano’t nalulungkot ka?
alena: napakaraming nagaganap dito sa sapiro na nagdadala sa akin ng labis na kalungkutan.
danaya: kaya ba hindi ka pumunta sa ating pagsasanay kanina?

tumango si alena.

andal ruins,
avria: mahal na bathaluman, ano’t nagpakita kayo muli sa amin, bathaluman?
ether: nais ko sanang magpaalam
avria: bakit? saan kayo magtutungo bathaluman ether?

silid ni armea,

dumating si pirena at amihan. karga ni pirena ang sanggol (anak ni odessa) na napulot nila.

alena: amihan, ano’t may dala kayong sanggol? kaninong anak yan?
pirena: hindi namin alam alena. nakita namin siya sa gubat. hindi rin namin kilala ang magulang niya. iniwan yata roon.

umiiyak ang sanggol. matamang pinagmasdan ni alena ang sanggol. makikita na hindi magaan ang loob niya rito. ganun din ang makikita sa mukha ni danaya. pinatahan ni pirena ang sanggol.

andal ruins,
ether: matagal kong hinintay ang inyong pagkabuhay at ngayong narito na kayo. kailangan ko ng magpahinga muli.
andora: pero paano kami kung wala kayo
juvila: hindi po namin alam ang pamumuhay ng mga nakatira sa panahong ito. paano namin sila matatalo?

nilahad ni ether ang kanyang kamay at isang itim na bolang orb ang lumabas mula rito.
ether: pag-aaralan niyo ang kanilang mga gawi at pamumuhay at sa pamamgitan ng kapangyarihan handog ko sa inyo nakaksiguro akong magtatagumpay kayo. avria…bilang reyna ng etheria. ikaw ang magiging tagapag-ingat nito.

nilahad ni avria ang kanyang kamay at inilipat ni ether ang black orb.

ether: sa pamamagitan ng kapangyarihan niyan. makakalapit kayo sa inyong mga kalaban ng hindi nila nalalaman.
avria: salamat bathaluman. umasa kayo na gagamitin namin ito sa adhikain naming manalo sa mga diwata at makuha ang pinakiiingatan nilang brilyanted.
ether: umaasa akong hindi ninyo ako bibiguin.
andora: pinapangako naming hindi kayo mabibigo

isa-isang tiningnan ni ether ang mga heran.

ether: paalam mga heran … paalam

naglaho na si ether. naiwan ang mga hera

avria: humanda kayo mga diwata pagkat di magtatagal kami naman ang magtatagumpay.

silid ni armea,

amihan: talaga bang hinulaan si ybrahim na ang kanyang anak ang papatay sa kanya
alena: yan ang sinabi ng lahat ng manghuhulang aming pinatawad.
danaya: kagimbal-gimabal kung ito’y magaganap. sarili niyang dugo ang papatay sa kanyang pinagmulan
pirena: naalala ko tuloy ang nangyari sa amin ng ating ina noon. kamuntikan ko na siyang mapatay dahil sa aking kapalaluan.
amihan: hindi maaring maganap ito. hindi maaring magkatotoo ang mga hula

nilapitan niya si alena at armea.

alena: anong gagawing mo amihan?
amihan: may kapangyarihan tayong magbasbas sa mga kasisilang pa lamang na sanggol. kaya’t binabasbasan ko ang iyong anak alena, hindi ang sanggol na ito ang papatay sa kanyang ama. hindi siya ang papaslang kay ybrahim

pagkatapos basbasan ni amihan si armea ay dumating si ybrahim. nakita niya ang sanggol na hawak ni pirena

ybrahim: danaya…pirena…sino itong sanggol na ito?
pirena: hindi rin namin alam ybrahim.nakita lang namin siya sa gubat.

kinuha niya ang sanggol kay pirena.

ybrahim: napakakisig na sanggol naman para itapon lamang. kung hindi na siya kailangan ng kanyang mga magulang. ay maarin na dito siya sa sapiro tumira.

may selos sa mukha ni alena habang pinagmasdan niya ang kanyang asawa hawak ang sanggol.

sa bahaghari,

pinaguusapan ng mga tauhan ni azulan ang kanyang pagkagiliw sa isang sanggre. isang sanggre pa raw ang nagustuhan nito at naging reyna pa. paano raw siya magugustuhan nito. iyon ang pinagtatakahan nila. masyado raw ambisyoso si azulan. narinig lahat ito ni azulan. nilapitan niya ang kanyang mga tauhan at pinatulan ang mga ito. pinigilan siya ni luntia, violeta at dilawan. Nang ayaw papigil, ginamita ng blast ni dilawan. tumigil naman sila.

silid ni armea,

habang karga ni ybrahim ang sanggol, ngumingiti ito sa kanya.
ybrahim: kung hindi siya nais kupkupin at mahalin ng kanyang mga magulang ay sapiro ang magpapalaki sa kanya
alena: ngunit di natin kilala ang sanggol na iyan ybrahim. hindi natin alam kung saan siya nagmula
ybrahim: ngunit magaan ang loob ko sa kanya alena. ngayon ko pa lang siya nakita ay tuwang-tuwa na ako sa kanya. dito siya titira sa sapiro para may kalaro na rin ang ating anak.

nag-alaala ang mukha ng mga sang’gre parang di rin sila sang-ayon kay ybrahim.

sapiro’s lobby,

balik sa paguusap ng mga konseho. makikitang nag-alala ang babaeng konseho.
brimeo: yun ang sagot sa ating pagaalala at para di mapahamak ang hari
council1: mainam na panukala ngunit papayag kaya ang ating hari? natitiyak ko hindi lalo na si reyna alena
brimeo: may paraan pa para hindi na nila malalaman ang gagawin nating ito

dumaan ang mga kawal. sandaling natahimik ang konseho

council (babae): kikilos tayo na di nalalaman nga ating hari at reyna?
brimeo: narito tayo para pangalagaan ang ating hari at ang sapiro. kailangan natin gawin yun sa ayaw man niya o sa gusto

sa hardin ng lireo,

nagbibigay si pirena ng mga pagkain sa mga hathor. nilapitan siya ni amihan.

amihan: pirena
pirena: kawawa ang mga hathor simula nung nawala si hagorn. wala na rin silang matirahan. mas mainam siguro kung maitatayo muli ang hathoria
amihan: bakit pa pirena? gayun malaya naman sila makatitira dito
pirena: mas mainam kung nakatira kami sa sarili naming kaharian (pabulong)
amihan: may sinabi ka ba pirena?
napailing si pirena. hindi narinig ni amihan ang tinurang iyon ni pirena

 

sa bahaghari

napigil ni dilawan ang pag-aaway ni azulan at ng tauhan nito.

dilawan: kayong dalawa magpalamig muna kayo.

naupo si azulan.

dilawan: anong nangyari azulan? bakit kayo nagkagulo?
violeta: marahil ay sumama ang loob ni azulan
luntian: pagkat narinig niya kay caoco
violeta at luntian: na hindi siya bagay kay sang’gre amihan
dilawan: sang’gre amihan…ang dating reyna ng mga diwata?
violeta at luntian:  siya, siya ang engkantadang iniibig ni azulan

tumayo si azulan ang iniwan sina dilawan. dumating si rosas.

rosas: kawawang azulan halatang-halata na umiibig na siya sa diwata.

sa lireo,

amihan and danaya just orb in. binati sila ni muros.

muros: maligayang pagbabalik sa lireo reyna danaya at sang’gre amihan
danaya: muros, maiwan mo muna kami. amihan mukhang kinagigiliwan nga ni ybrahim ang sanggol
amihan: yun nga ang nakita ko. ngunit labis akong nag-aalala sa kanyang kalagayan.
danaya: ngunit ano pang pinag-aalala mo? binasbasan mo naman anak ang anak ni alena. dahil dun naniniwala ako na mabibigyan mo na siya ng proteksyon.

from nowhere, avria orb in behind a pillar. nakikinig siya sa usapan ni amihan at danaya.

amihan: sana nga. ayoko ng mauwi muli sa trahedya ang pagsasama nila ng ating kapatid. tayo na sa loob.

napahinto si danaya. may naramdaman siyang nagmamasid sa kanila.

amihan: bakit danaya?

minasdan ni danaya ang paligid.

danaya: pakiramdam ko kasi parang may nagmamatyag sa atin kanina.

kagubatan,

isang pangkat ng mga sapiryan ang naglalakbay papuntang sapiro. may dala-dala silang ginto. hinarang sila nila andora at pinagpapaslang. binuksan ang baul ng ginto.

andora: may magagamit na tayo para makapagsimula tayo ng bagong buhay dito sa encantadia.

sa lireo,

minasdan ni amihan ang paligid. lumabas siya.

amihan: wala akong nakitang nilalang.

danaya: mga kawal, galugarin nyo ang buong paligid. tingnan niyo kung may nakapasok dito. amihan, mauna na muna ako sa aking silid.

amihan: o sige magpahinga ka muna.

naglakad si amihan palabas. nakamasid sa kanya si azulan. napahinto si amihan. naramdam niya na may nakatingin sa kanya. umalis kaagad si azulan. nagpatuloy sa paglalakad si amihan hanggan marating niya ang bukana. nakita niyang naglalaro sina banak at nakba. masaya niyang pinagmasdan ang mga ito. may dumating…

amihan: sino yan? hathor ikaw lang pala. avisala

nang bigla siyang sinugod nito. agad ginamit ni amihan ang kanyang blast. natumba ang hathor ngunit dumating pa ang maraming hathor. nagulat si amihan kung bakit siya sinusugod ng mga ito. napaupo siya. na-corner siya ng mga hathor. nag-iba ang ihip ng hangin. naramdaman ito ni amihan at ng mga hathor. parang may paparating…then lira orb in

amihan (gulat na gulat): lira…

napatango si lira.

sa bahaghari,

may hinuhulaan si rosas. isang lalaki raw ang magiging anak ng mga nagpahula. dumating si azulan. kaagad itong umakyat sa favorite spot nito - sa layag ng bahaghari.

rosas: alam ko kung saan ka nanggaling azulan. pinuntahan at minasdan mo na naman ang iyong diwata. hindi ba?
azulan: tigilan mo nga ako wala akong pakialam sa diwatang iyon
rosas: kaya kong mabasa ang iyong kapalaran. kaya kong makita ang hinaharap at kung iibigin ka nga ni amihan
azulan: sheda. iibig kaya siya sa akin kung ako ay magpapakilala sa kanya?
rosas: nakita mo na e di inamin mo rin
azulan: oo na inaamin ko na. gusto ko siya. ngayon, sagutin mo ako. magugustuhan ba niya ako?
rosas: tingnan natin kung ano ang sinasabi ng iyong kapalaran

winasiwas ni rosas ang kanyang pamaypay at may binasa sa hangin.

sa lireo,

sinugod si lira ng mga hathor. si amihan sa pagka-shock yata eh nakaupo pa rin

amihan: lira mag-ingat ka.

nilabanan ni lira ang mga hathor.

cut scene to bahaghari,

azulan: ano ang sinasabi ng aking kapalaran?
rosas: mahihirapan kang paiibigin si amihan, matagal, mahirap, matagal na panahon kung saan ikaw ay luluha at masasaktan ng labis
azulan: ibig sabihin nun hindi niya ako magugustuhan?
rosas: hindi nakasaad sa aking hula. ang tanging nalalaman ko lamang ay paghihirap mo sa pagpapa-ibig sa diwata.

iniwan ni rosas si azulan. malalim ang iniisip ni azulan.

back to lira’s fighting scene at lireo

natalo ni lira ang lahat ng mga hathor. nilapitan na siya ni amihan.
amihan: lira anak
lira: inay

nagyakap silang mag-ina (nakakaiyak itong scene na ito)

amihan: lira anak ano ang ginagawa mo rito
lira: narito ako kasi gusto ko kayo makita ni cassandra inay
amihan: magtatagal ka ba?
lira: hindi na ako magtatagal. alam nyo naman hindi na ako karapat-dapat nandito. kailangan ko na magbalik sa pinanggalingan ko.
amihan: kung gayon bakit ka pa nagbalik? bakit ka pa nagpakita anak? para saktan ako para muli lang ibalik ang sakit ng pagkawalay ko sayo?
lira: hindi ako nawala sa inyo inay palagi lang ako nandito
amihan: alam ko anak minsan nararamdaman ko paranga nasa tabi lang kita
lira: kama-kailan lamang ay nahulog kayo sa sasakyang panghimpapawid.

flasback
amihan nahulog sa sasakyang panghimpapawid. nawalan siya ng malay. sinalo si ni lira sa hangin at ni-guide pababa.

lira: ako ang nagligtas sa inyo dun inay. ang lahat ng nakita natin kanina. ang lahat ng mga kalaban. lahat  yun ay hindi totoo. iyon ay pagpaparamdam sa mga mangyayari pa lang.
amihan: ano ang ibig mong sabihin?

may binigay na na violet flower si lira kay amihan.

lira: huwag kayong mabahala inay. katulad ng humahalimuyak na bulaklak na iyan. lagi lang akong nasa hangin.
amihan: hindi ko kailangan ng bulaklak anak. wala akong ibang kailangan kundi ikaw.
lira: inay huwag kayong mg-alala. darating din ang panahon na hindi na tayo magkakahiwalay. magkakasama tayo muli. pangako yan

niyakap ni lira si amihan. tuloy sa pag-iiyak si amihan.

amihan: lira…anak.

umalis na si lira. nag-orb out na siya.

amihan: lira

dumating si muros. bumalik ang dating ambiance ng paligid. nag-iingay sina banak at nakba

muros: mahal na sang’gre
amihan: lira
muros: lira?
amihan: wala…wala…

iniwan na siya ni muros. pinagmasdan ni amihan ang violet na bulaklak na hawak niya. naiwan siyang nag-iisip.

 

itutuloy…. 

Posted by jeinalem at 5:57 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








About Enca & Etheria





MyBlogLog

Google Analytics

Tagboard

Şahinnparadisegelenekselramazancoşkusu:

http://meandeangreen.com/
http://teknolojimiz.net/
http://tatilyer.com/
http://stylem.tumblr.com/
http://kendinizievinizdehissetmeyeceksinizsahinnparadiseseoyarismasi.org/

http://meandeangreen.com/post/7883009588/
http://teknolojimiz.net/post/8006594912/
http://tatilyer.com/post/5739532157/
http://stylem.tumblr.com/post/8438922511/
http://kendinizievinizdehissetmeyeceksinizsahinnparadiseseoyarismasi.org/post/7866183958/

Şahinnparadisegelenekselramazancoşkusu:

http://www.thoughts.com/technew537117/ahinnparadisegelenekselramazancokusu
http://technew537117.livejournal.com/3832.html
http://www.gather.com/viewArticle.action?articleId=281474979871887
http://www.flukiest.com/media?f_blog_id=133607
http://technew537117.blog.com/2011/08/10/tatil-yaparken-oruc-tutmak/
http://technew537117.insanejournal.com/2011/08/11/
http://trteknoloji.blogdetik.com/2011/08/12/sahinnparadisegelenekselramazancoskusu-festivali/
http://trteknoloji.webnode.com.tr/news/ramazanda-tatil-yapmak/
http://dean07.posterous.com/tatilde-oruc-tutmak
http://www.soulcast.com/post/show/1157422/Oruc-Tutarak-Tatil-Yapmak
http://egreenmtt.typepad.com/blog/2011/08/tatilde-oru%C3%A7-tutmak.html
http://mbul.wikidot.com/sahinnparadisegelenekselramazancoskusu
http://mbul.spruz.com/pt/Ho351-geldin–trteknoloji/blog.htm
http://publish.publish.publish.tinypublish.indymedia.dk/articles/2969

Şahinnparadisegelenekselramazancoşkusu:

http://kendinizievinizdehissetmeyeceksinizsahinnparadiseseoyarismasi.org/
http://kendinizievinizdehissetmeyeceksinizsahinnparadiseseoyarismasi.org/post/8892908290/
http://kendinizievinizdehissetmeyeceksinizsahinnparadiseseoyarismasi.org/post/8892874849/tatil
http://kendinizievinizdehissetmeyeceksinizsahinnparadiseseoyarismasi.org/post/8892642626/yasam
http://kendinizievinizdehissetmeyeceksinizsahinnparadiseseoyarismasi.org/post/8892587620/tekno
http://kendinizievinizdehissetmeyeceksinizsahinnparadiseseoyarismasi.org/post/8893316289/sahi
http://stylem.tumblr.com/post/8671414378/tatil
http://stylem.tumblr.com/post/8671376203/sahinnpar
http://stylem.tumblr.com/post/8671347808/yasam
http://stylem.tumblr.com/post/8438922511/sah
http://stylem.tumblr.com/
http://ramazancoskusu.tumblr.com/
http://ramazancoskusu.tumblr.com/post/8671581967/sahinnparad
http://ramazancoskusu.tumblr.com/post/8340837358/11-ay-n-sultan
http://ramazancoskusu.tumblr.com/post/8223002689/sah-inn
http://ramazancoskusu.tumblr.com/post/8222338552/teknoloji
http://ramazancoskusu.tumblr.com/post/8220074581/tatil
http://ramazancoskusu.tumblr.com/post/8220019889/yasam
http://meandeangreen.com/post/8625684067/sahinnp
http://teknolojimiz.net/post/8900492570/

http://www.kumpulancara.com/2011/08/tabletandroidhoneycombterbaik-murah.html:

Tablet Android Honeycomb Terbaik Murah

Software reviews:

free software reviews www.extremesoftwares.blogspot.com

Mercedes-Benz Mobil Mewah Terbaik Indonesia:

Mercedes-Benz Mobil Mewah Terbaik Indonesia

pacquiao-mosley fight:

Surfing! enjoy viewing guys! :)

fygmer:

sana erelease rin sa dvd9 ung etheria:ang ikalimang kaharian ng encantadia at ung encantadia:pag-ibig hanggang wakas.. .

Pacquiao vs Mosley:

http://www.pacquiaovsmosley.info/

rc helicopter:

blogwalking my bro

new car 2010:

blogwalking

bike review:

im blogwalking

modif 2010:

this is blogwalking

car custom:

blogwaking frend

notebook review:

blogwalking

modifikasi motor:

blogwalking

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

fate glyden angel:

cmula p lng ng plbas,ngus2han q na tlga,super gnda kc ng encantadia,4 me,ur d’best….mnzan nga,tnatwag pa aming 4 na mgka2ptid na 4 na sanggre,ako,codie q s alena kc pang 4 aq..jejeje…very adventurous ang plbas n yan,sna ipalbas p uyet..ndi ako mgsswa…i love it!!!super…

lirayne:

uy gumawa aq ng sarili kng buk ng enca episodes,,,nrecord q kc lhat ng ngyari sa enca world,,,,pwd pa bng mgpost?

Leave a message ▼