Summary by Princess_Lilo, originally posted at Encantadiks Central :: View topic - Encantadia: Pag-Ibig Hanggang Wakas Summaries
Sa kagubatan, kausap ni Amihan si Pirena ukol kay Lira. Nakalimutan na raw ni Amihan ang awit ni Lira. Ayon kay Pirena, marahil ay dapat kalimutan na niya ang mapapait na karanasan at pagtuunan ng pansin ang pag-ibig. Nais ni Pirena na maging masaya si Amihan. “Bakit Pirena, masaya ka rin ba?” ang sabi ni Amihan. Para sa kanya, ayaw na niyang umibig at sapat na ang mahalin si Cassandra at ang Encantadia, wala nang iba.
Nagbabakasakali rin naman si Azulan na muling makita si Amihan sa gubat, kasama ang kambal at si Kahel.
Sa gumuhong Andal, nanganganak na si Odessa katulong sina Andora at Juvila.
Pinagalitan ni Wahid si Rosas sa hula nito na mamamatay si Ybrahim sa lalong madaling panahon. Sila’y higit na nabahala sa hula na siya ay papaslangin ng sarili niyang anak.
Nakapanganak na si Odessa ng batang lalaki. Ayon kay Odessa ay kamukhang-kamukha nito ang kanyang ama.
Hindi naniwala at ikinagalit pa ni Ybrahim ang hula ni Rosas. Tinawag niya itong huwad.
Hindi makapaniwala si Avria sa sinapit ng kanilang kaharian. Higit siyang napuot sa mga diwata at ninais na maghiganti. Nabanggit ni Andora na kailangang matiyak ang kanilang paninindigan. Nabanggit niya na si Odessa ay pinanghihinaan na ng loob dala ng kanyang anak. Hindi nakakatulong ang sanggol, nagpapaalala pa ito ng pag-ibig ni Odessa kay Ybrahim at baka maging sanhi ng pag-anib ni Odessa sa Sapiro. Sinabi ni Avria na siya na ang bahala sa sanggol.
Naglalakad si Amihan sa gubat nang pagmasdan siya ni Azulan at mga kasama mula sa malayo. Sinundo nina Muros at Pirena si Amihan. Binanggit ni Azulan na si Amihan ang babaeng hinahangaan niya. Ayon sa kambal, napakatayog ng Encantadang nagugustuhan nito, isang dugong bughaw at dating reyna ng Lireo. (Kaya Azulan, tantanan mo na siya!) Napangiti lamang si Azulan.
Galit na bumalik si Ybrahim sa Sapiro. Nagtataka si Alena sa kondisyon nito. Sinabi ni Wahid ang tungkol sa hula. Hindi rin naniwala si Alena. Napupuot din si Wahid ngunit, ayon dito, paano na lamang kung totoo nga ang hula.
PATALASTAS
Nag-uusap sina Rosas at Dilawan ukol sa pagkagalit ni Ybrahim sa hula. Nanindigan si Rosas na totoo ang kanyang hula.
Para kay Ybrahim, pawing kasinungalingan lamang ang hula na si Armea ang papatay sa kanya. Nababahala ang mga miyembro ng konseho sa kaligtasan ni Ybrahim. Tatapusin na sana ni Ybrahim ang pulong nang hamunin ni Alena ang lahat na ipatawag ang pinakamagagaling na manghuhula sa Encantadia. Kapag ganun din ang hula ng iba ay tsaka pa lang ito matatakot para sa kaligtasan ng asawa.
Nagising si Odessa na nawawala ang kanyang anak. Hinanap niya ito kina Juvila at Andora. Samantala, karga ni Avria ang sanggol sa kagubatan. Balak niyang patayin ang sanggol gamit ang kapangyarihan ngunit natigilan siya at inilapag na lamang sa lupa. (Awww, may puso pa rin talaga si Avria!)
PATALASTAS
Umiiyak si Odessa nang dumating si Avria. Pinilit ni Odessa na aminin ng mga kasama kung sino ang kumuha sa kanyang anak. Nagsinungaling si Andora na patay na ang anak nito.
Dumating na sa Sapiro ang mga tanyag na manghuhula.
Ayon kay Andora, may isang diwata raw na pumasok sa Andal at kinuha ang kanyang anak at pinatay ito. Sabi ni Andora, likas na masama ang mga diwata. (Talaga lang ha!) Kailangan daw magalit si Odessa sa mga diwata at maghiganti.
PATALASTAS
Tinignan ng mga manghuhula ang kapalaran ni Ybrahim. Sa tabi, tinanong ni Cassandra kay Wahid kung ano ang nagaganap. Pinatotoo ng mga manghuhula ang unang hula kay Ybrahim. Nabahala ito at umalis.
Sa kagubatan, mag-isang kinakalaban ni Danaya ang mga mangangaso nang tinulungan siya ng mga kawal. Ipinakulong niya ang mga ito. Lumitaw sina Pirena at Amihan, na hinihintay ni Danaya para sila’y magsanay. Dumating si Linggit (na katulad ni Muyak), upang tawagin si Danaya sa Lireo. Naglaho sina Danaya at Muros. Natuwa sina Apek at Wantuk sa pag-aakalang libre na sila sa pagsasanay. Pinigilan sila ni Pirena. Magsisimula pa lamang ang pagsasanay nang may marinig silang umiiyak. Nakapulot si Pirena ng sanggol. Nagtataka sila kung sino ang nag-iwan nito at kung sino ang sanggol na iyon.
2 b honest, bagay sina Pirena and Asval. Nkakakilig yng mga moments nla sa Etheria pti na rin nung reyna pa si Pirena ng Lireo khit na nloko lng sya dun ni Asval. Pro narealize ko lng, baka d totoong di mhal ni Asval c Pirena. Bka pnalabas lng nya kay Hagorn na hindi pro totoong luv nya ito. Bka kc gnwa lng nya tng pgkakataon na mpasknya si Pirena khit sndali dhil mnahal nya 2 sa etheria. Bka yng nangyari sa Etheria ay sanhi ng pag-ibig niya kay Pirena. I mean, kung d nman nya 2 mhal, eh di sna iba ang binalak nyang pagbagsak kay Pirena. Hndi kc common yung plan na naisip nya eh. Bgay sla. ibalik nman siya oh! may kakayanang magbuhay ng isang nlalang ang brilynte n Pirena ryt? Tpos hayaan nlang ang kpngyarihan ng pagibig na mling mbuhay si Asval w/o being a halimaw like wat hapend kay Hitano. Please lng! Isn't it the heart doesn't choose kahit kontrabida pa?
Posted by hannah at February 26, 2006, 8:49 am[1] hi clark_kent_1225, meron ko summary ng encantadia. you can view it at http://encantadia.jeinalem.i.ph/index.php?category=encantadia1&blog=episodes…
:)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
avisala!
maste lesnu jeinalem
salamat at naglagay ka ng summary ng encantadia 2 kc may isa rin akong encantadiks. sana mag post ka rin ng summary ng encantadia from episode 1 up to last episode. thank you
avisala mieste
Posted by Emre at February 25, 2006, 9:49 pm