opening scene: sapiro
binibinyagan ang sanggol (anak ni odessa) na napulot ni pirena. hawak ito ni ybrahim habang binubuhusan ito ni alena ng tubig sa ulo. naroon sa pagtitipon si pirena at cassandra.
ybrahim: arman… magmula ngayon yan ang itatawag ko sayo. at magmula ngayon ikaw ay isa ka ng tunay na mamayan ng sapiro. Tara na cassandra ihatid na natin siya sa kanyang bagong silid.
umalis na sina ybrahim at cassandra. naiwan si pirena at alena. nag-aalala ang mukha ni alena
pirena: natutuwa ako alena at tinanggap ni ybrahim ang sanggol na napulot namin. malaking tulong ito sa kaawa-awang sanggol.
alena: gustuhin ko mang matuwa ngunit hindi ko ito magawa pirena.
pirena: bakit alena?
alena: hindi ko maintindihan kung bakit ngunit hindi ako makaramdam ng pagkaaliw sa sanggol na dinala mo pirena. mabigat ang loob ko sa kanya
pirena: alena…
alena: alam kong mali ang nararamdaman ko pirena. ako’y mismo nagtataka dito. bakit kaya nararamdaman ko ito sa kanya? bakita ayaw ko sa sanggol?
parehong nababahala ang dalawang sang’gre
nakaraan sa encantadia:
si azulan, luntian, at violeta minamatyagan si amihan.
azulan: yan ang engkantadang sinasabi ko napakaganda niya hindi ba?
violeta: may dugong bughaw ang diwatang yan azulan, dati siyang reyna ng lireo
…
hininulaan ni rosas na papaslangin si ybrahim ng kanyang sariling anak
…
nanganak na si odessa ngunit nawawala ang anak niya. itanapon ito ni avria.
odessa: nawawala ang anak ko…ilabas niyo ang anak ko.
….
napulot nila pirena, amihan, wantuk at apek ang anak ni odessa
….
sa harap ng konseho, pinatawag ni alena lahat ng magagaling na manghuhula para tiyakin ang hula kay ybrahim. iisa ang hula ng lahat. si ybrahim ay papatayin ng kanyang sariling anak
pagpapatuloy….
sa silid ni armea,
karga-karga ni ybrahim si armea pinagmamasdan niya itong mabuti. si cassandra nakaupo sa kama at pinagmamasdan ang balisa niyang ylo.
flashback mode
naalala niya ang pagpapakilala niya rito sa pagtitipon.
ybrahim: ang bagong prinsesa ng sapiro…si prinsesa armea…at ang aking reyna…si alena.
…
naalala niya ang labis na tuwa kanyang naramdaman ng isilang ito. kalong ni alena si armea at pinagmamasdan ito ni ybrahim
ybrahim: alena, hindi ako makapaniwalang nabigyan mo ako ng isang napakagandang tagapagmana. e corrie diu armea, mahal na mahal ko kayo ng iyong ina
flashback mode
dumating si alena. nilapitan niya ang kanyang mag-ama
alena: naniniwala ka ba na ang ating anak, si armea, ang papatay sayo ybarro?
hindi sumasagot si ybrahim. patuloy niyang pinapatulog si armea
alena: huwag mong sabihing naniniwala ka…huwag mong sabihing pinagdududahan mo ang ating anak. sagutin mo ako ybarro. gusto ko lang malaman kung ano ang iniisip mo…
ybrahim: mahal na mahal ko ang ating anak alena kayat hindi ako naniniwala sa sinabi nila. imposibleng sarili ko pang anak ang papatay sa akin. hindi totoo iyon. hindi ako naniniwala… pero natatakot ako kahit ang hari ay marunong din matakot. natatakot ako alena…
niyakap siya ni alena. pinagmasdan niyang muli si armea. si cassandra nakamasid lamang sa isang tabi.
Summary by Princess_Lilo, originally posted at Encantadiks Central :: View topic - Encantadia: Pag-Ibig Hanggang Wakas Summaries
Sa kagubatan, kausap ni Amihan si Pirena ukol kay Lira. Nakalimutan na raw ni Amihan ang awit ni Lira. Ayon kay Pirena, marahil ay dapat kalimutan na niya ang mapapait na karanasan at pagtuunan ng pansin ang pag-ibig. Nais ni Pirena na maging masaya si Amihan. “Bakit Pirena, masaya ka rin ba?” ang sabi ni Amihan. Para sa kanya, ayaw na niyang umibig at sapat na ang mahalin si Cassandra at ang Encantadia, wala nang iba.
Nagbabakasakali rin naman si Azulan na muling makita si Amihan sa gubat, kasama ang kambal at si Kahel.
Sa gumuhong Andal, nanganganak na si Odessa katulong sina Andora at Juvila.
Pinagalitan ni Wahid si Rosas sa hula nito na mamamatay si Ybrahim sa lalong madaling panahon. Sila’y higit na nabahala sa hula na siya ay papaslangin ng sarili niyang anak.
Nakapanganak na si Odessa ng batang lalaki. Ayon kay Odessa ay kamukhang-kamukha nito ang kanyang ama.
sa pamilihan
nasa pamilihan malapit sa punjabwe sina wahid at ybrahim. bumili si wahid ng panea. iniabot niya ito kay ybrahim. si ybrahim may hawak na isang gamit. namataan niya na ipinagbibili
wahid: mahal na hari (inaabot ang panea, nakita ang hawak ni ybrahim) di ba isa iyan sa mga gamit nyo?
ybrahim: saan mo nakuha ito (kinausap nya yung nagtitinda nung gamit)
tindera: ibenenta lang sa akin yan. hindi ko kilala kung sino?
wahid: sinungaling!
binunot ni wahid ang kanyang armas pero pinigilan siya ni ybrahim. natakot ang tindera.
ybrahim: bibilhin ko sayo ito at dodoblehin ko pa ang ginto kung sasabihin mo sa akin kung sino ang nagbenta sa’yo nito.
tindera: hindi ko talaga alam.
wahid: mahal na hari ako na ang magbibigay ng leksyon sa kanya. baka sakaling magtapat siya ng totoo.
ybrahim (pinigil niya si wahid): hindi na kailangan wahid pagkat may pakiramdam akong malapit na nating makita ang nagnakaw sa akin.
sa di kalayuan, nakatanaw pala kina ybrahim sina luntian at violeta. nangangamba sila.
sa bahaghari, sasakyan ng mga punjabwe
pinaguusapan ni rosas at dilawan si azulan.
dilawan: isang engkantada?
rosas: oo, isang engkantada ang tinulungan niya kanina. amihan ang pangalan niya. kung nakita mo lang,. titig na titig si azulan at mukhang nabighani na sa isang engkantada
dilawan: mukhang umiibig na muli si azulan
rosas: sana nga dilawan, ng saganun ay malimutan na niya ang unang babaeng inibig niya na nagbigay pasakit sa kanya. hindi karapat-dapat ang babaeng yun.minahal siyang lubos ni azulan ngunit iniwan niya ito at ipinagpalit pa sa iba. ako ang unang matutuwa kung sakaling umibig muli si azulan. para maging masaya na siya.
dumating sina luntian at violeta, humahangos parang hinahabol
luntian at violeta: rosas, asan si azulan?
dilawan: siya ay nagpapahinga sa kanyang silid.
violeta: kinakailangan natin siyang gisinging
luntian: pagkat may dala kaming masamang balita
rosas: anong masamang balita?
violeta: may naghahanap sa atin
luntian: ang hari ng sapiro
luntian at violeta (sabay na sabay talaga, maiyak-iyak na sila): ipinagtatanong tayo
dilawan: maaring nais niya kayong parusahan sa inyong ginawa, ang pagnanakaw
rosas: ang mga dugong bughaw nga naman, hindi sila makakapayag na sila’y maisahan. tayo na ipaalam na natin ito kay azulan.
tinungo nila si azulan. naiwan si dilawan na napapalatak.
sa kagubatan, pinagbagsakan ng sasakyang panghimpapawid nila danaya.
pinuntahan ito ng mga punjabwe. kinuha nila ang mga kagamitang mahahalaga. nag-aagawan pa si luntian at violeta.
azulan: kahel, marami pang bagay nahulog dun tingnan mo.
habang nililibot ni azulan ang paligid may narinig siya.
amihan: lira…
pinuntahan niya ito nakita niya si amihan. walang malay
azulan: engkantada…engkantada
hinawakan niya ang mukha ni amihan at pinagmasdan niya ito. nagmulat ang mga mata ni amihan. nakita niya si azulan, pinilipit niya ang kamay nito
amihan: lapastangan!
sa isang parte pa ng kagubatan
si danaya hinahanap niya si muros. si muros na sa isang puno walang malay. nilapitan siya ni danaya at ginising.
Muros: mahal na reyna
danaya: kumusta ang iyong pakiramdam?
muros: ayos lang
danaya: kung gayon bumangon ka na dyan. kailangan na natin hanapin si amihan. tayo na…. amihan….